33

By

Duncan balik Spurs bilang assistant coach

Nagbabalik sa kaniyang koponang San Antonio Spurs si Tim Duncan pero hindi na isang player kundi assistant coach sa ilalim ni Gregg Popovich.

Lunes (Martes sa ‘Pinas) opisyal na nagbalik ang all-time leader in points, rebounds at blocked shots ng Spurs.

“It is only fitting, that after I served loyally for 19 years as Tim Duncan’s assistant, that he returns the favor,” sabi ni Popovich sa isang report.

Tatlong taon na ang nakalilipas nang magretiro si Duncan sa San Antonio.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?