150
arrested
By

Dugo-dugo alibi ‘di umubra, kasambahay pinaaresto

Umaabot sa mahigit P7 milyong halaga ng mga mamahaling alahas ang natangay ng mga miyembro umano ng Dugo-Dugo Gang sa isang kasambahay sa Quezon City, Miyerkoles ng umaga.

Kinilala ni PLt. Roldan Dapat, ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District, ang biktimang si Bi Leng So-Lim, 57, businesswoman, residente ng Santolan Road, Regency Park Town Homes, Brgy. Valencia.

Agad namang inaresto ang kasambahay na si Mary Grace Salmorin, 18, dalaga, stay-in housemaid sa tahanan ng biktima.

Nakapiit siya ngayon sa Cubao Police Station 7 habang inihahanda ang kasong qualified theft na isasampa laban sa kaniya.

Sa inisyal na imbestigasyon, gabi ng Hulyo 9 nang dumating ang kasamang kasambahay ng suspek na si Erlyn Napone Tomaquin, bumungad sa kaniya na magulo at nagkalat ang mga gamit ng kaniyang among si Lim.

Alas-nuwebe ng umaga (July 10) ay nalaman na lamang ni Tomaquin sa kaniyang amo na kadarating lamang na nawawala na sa loob ng cabinet nito ang kaniyang mga personal belongings at mamahaling mga alahas na nagkakahalaga ng P7,120,000.

Dahil dito ay sinabi ni Tomaquin sa kaniyang amo na ang kasambahay na si Salmorin lamang ang naiwan sa bahay noong Hulyo 9 at pagdating niya ay napansin nga niya ang magulong kuwarto nito.

Agad na kinompronta ng biktima ang kasambahay na si Salmorin at umamin naman ito na siya ang kumuha ng mga alahas at ibinigay sa hindi niya nakilalang babae na tumawag sa kaniya upang ipambayad umano sa ospital.

Sinabi umano sa kaniya ng hindi kilalang bababe na naaksidente umano si Lim at inutusan siyang hingin ang mga alahas sa kaniyang kasambahay upang ipambayad sa hospital bill.

Subalit hIndi naman pinaniwalaan ng amo ang alibi ng kaniyang kasambahay at ipinaaresto niya ito sa mga awtoridad.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?