32

May 23, 2020 @ 20:31
By

DTI: Suplay ng alcohol, face mask bumabalik na sa normal

Bumabalik na sa normal ang suplay ng pangunahing armas laban sa coronavirus disease na alcohol at face mask.

Ayon kay Trade and Industry Sec. Ramon Lopez, kapag bumili ngayon ng alcohol at face mask ay available na ito.

Bunsod nito, pinapayagan nang pagbilhan ng sampung face mask ang kada buyer na dati ay lima lang.

Kabilang daw sa dahilan kaya nagiging normal na ang suplay ng alcohol at face mask sa merkado ay dahil marami nang local manufacturer ang gumagawa nito.

Matatandaang nagsimulang magkaubusan noon ng mga alcohol at face mask matapos mag-panic buying ang mga tao dahil sa COVID-19.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?