92
boracay
Oct 15, 2018 @ 11:39
By

Dry run ng Boracay, sinimulan ngayong araw

Muling binuksan ang isla ng Boracay para sa mga turista sa sampung araw na dry run na magsisimula ngayong araw.

Dating sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na ‘cesspool’ na ang naging status ng Boracay kayat isinara ng kalahating taon para malinis at ma-rehabilitate ang mga istruktura pati na rin ang sewage system.

Ngunit ngayon, nakaalpas na umano ang Boracay sa ganitong estado.

“We now declare that Boracay is no longer a cesspool,” pakli ni Environment Secretary Roy Cimatu.

Sa dry run, target na bantayan ng awtoridad ang kalidad ng tubig sa isla, pag-manage sa mga basura, at transport system.

1,000 na mga room lang ang bubuksan para sa mga turista ngayong Lunes, at prayoridad ang mga residente ng Aklan sa pagbubukas nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?