167
ABANTE jail arrested drug ops bacoor
By

Drug pusher sa Cainta, tiklo sa buy-bust

Kulungan ang bagsak ng isang kilalang drug pusher matapos ang isinagawang drug buy-bust oprations kamakalawa nang makatanggap ng tip ang pulisya na talamak na ang bentahan ng droga sa Barangay Sto. Domingo, Cainta, Rizal.

Kinilala ni Cainta Municipal Police Supt. Raymond Rosero (OIC) ang naarestong suspek na si Jerry Maranan y Delizo, alyas Pukyo, 40-anyos, construction worker at residente ng 1st St. San Buena Compound, Barangay Sto. Domingo, Cainta, Rizal.

Batay sa report, sagad na umano ang tip na natatanggap ni Supt. Rosero kaya kailangan nang kalusin ang paghahari-harian ng kilalang drug pusher na si alyas Pukyo kaya naman bandang alas-10:30 ng umaga ay agad na nagsagawa ng buy-bust operation ang mga tauhan ng PDEA Rizal 4-A sa Cainta Junction, sakop ng Barangay Sto. Domingo na kung saan ay palaging nakikita ang suspek.

Umaktong poseur buyer si PO2 Paguirigan kung saan nalambat ang suspek na dala ang dalawang plastic sachet na naglalaman ng shabu.

Kasalukuyang nakakulong ang suspek sa Angono Custodial Facility habang inaayos pa ang kasong illegal drug pushing para iharap siya sa Rizal Provincial Prosecution sa Taytay, Rizal. (Vick Aquino)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?