43

By

Drug lord timbog sa drug raid sa Bohol

Arestado ang isang drug lord matapos mahulihan ng mga party drug at isang kilong shabu sa inihaing search warrant ng pulisya, Huwebes ng umaga sa Barangay Bahayag, Tubigon, Bohol.

Kinilala ang nadakip na si Ritchie Banquil, 30, residente ng nasabing lugar.

Nakuha sa kanya ang mga party drug na nakalagay sa limang balot ng Chinese tea gayundin ang isang kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P6.8 milyon.

Sa ulat ng Region 7 Intelligence Group, alas-11:00 ng umaga nang lusubin ng pulisya ang bahay ng suspek sa Barangay Cahayag, Tubigon.

Nasa listahan si Banquil ng mga high value target ng iligal na droga sa nabatid na lalawigan.

Inaalam pa ng pulisya kung magkano ang party drugs na nasamsam sa suspek na dinala sa Bohol Police Provincial Office kasama ng isang kilo ng shabu.

Inihahanda na ang kaukulang kaso laban kay Banquil habang kasalukuyan itong nakapiit sa Bohol Police Provincial Office.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?