22

By

Drug czar post ni Robredo, hindi bitag – DOJ

Welcome sa Department of Justice (DOJ) ang pagtanggap ni Vice President Leni Robredo bilang co-chair ng komite ng gobyerno kontra droga.

Ani DOJ Secretary Menardo Guevarra, maaaring makatulong ang mga suhestiyon ni Robredo sa pagsugpo kontra droga.

“As a matter of fact the co-chair of this committee and we are happy because the task before the ICAD is a very serious matter. It is a national concern, we need all the help that we can get and we hope that with the inclusion of the vice president in ICAD she’ll be able to help the government in ahh thru her maybe suggestions, innovative ahh and fresh and constructive insights about how the government should conduct the anti-illegal drug campaign. So we are very happy,” saad ni Guevarra.

Hindi rin umano trap o bitag kay Robredo ang appointment nito dahil ang intensiyon ng gobyerno ay manalo sa anti-illegal drug campaign.

“I don’t know what exactly that means because the intent of the government is to win at all cost itong anti-illegal drug campaign and we are bringing in the Vice President in this campaign so how could this be treated as a trap while the intention is to win so we are bringing her on board in a campaign that is intended to win so I guess all these talk about the appointment being a trap is something to ignore because we want her assistance in the campaign,” dagdag pa ng DOJ chief.

Winaksi rin ni Guevarra ang sinasabi ng Bise Presidente na alam nitong gagawin ang lahat para mag-fail siya.

Depensa ni Guevarra, paano magpi-fail si Robredo kung miyembro ito ng buong komite kaya ang kabiguan nito ay failure ng buong Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs.

Handa naman aniya ang DOJ na makinig sa mga irerekomenda ng Bise Presidente sa kampanya kontra droga.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?