329

By

Driver gustong gawing janitor: Pinoy sinampolan ang mapang-abusong Chinese

Pinakita ng isang simpleng manggagawang Pinoy na kaya pa ring lumaban sa mga abusadong Chinese na naninirahan sa Pilipinas.

Sa isang Facebook post mula kay ‘Cora Llamas’, ikinuwento nito ang karanasan ng nasakyang cab driver na hinire ng isang kompanya para maging driver ng Tsino.

Ayon sa storya ng tsuper, isang araw ay hindi nangangailangan ng driver ang Chinese ngunit pinapunta siya sa opisina at dito sinabi na maging janitor muna siya dahil wala namang trabaho sa pagmamaneho noong araw na iyon.

Umayaw ang tsuper, sinabi na wala ito sa kanyang job description at ayos lang sana kung nasabi sa kanya bago magkasundo sa arrangement.

Hindi ito natanggap ng Chinese, hinawakan sa balikat ang Pinoy at pinilit paghawakin ng mop habang sumisigaw-sigaw sa pagmumukha ng driver.

Hindi nakapagtimpi ang Pinoy at napagsigaw ng ‘I quit’ sabay walk-out.

Nang palayo na ay hinawakan ulit ang Pinoy ng Chinese at nag-ambang sasapakin ngunit naiwasan ng driver at tinulak ang Tsino.

Dinala sa police station ang dalawa at nakipagmatigasan ang Chinese na irereklamo umano ang Pinoy sa awtoridad, ngunit bumalikwas ang Pilipino.

“Ok you want to complain? I’ll file my own complain—to the Department of Labor and Employment. Let’s see what happens,” saad ng Pinoy base sa post.

Dito na napaatras ang Chinese, nakipag-usap sa telepono at kalauna’y pinabayaang mag-resign ang Pinoy.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?