761

By

Drilon tinangging kasama sa gumawa ng kontrata ng Maynilad, Manila Water – Duterte

Hindi umano kasama si Senador Franklin Drilon sa mga abugadong gumawa ng kuwestiyonableng kontrata ng Maynilad at Manila Water sa gobyerno para maging distributor ng tubig sa Metro Manila.

Ito umano ang text message ni Drilon kay Executive Secretary Salvador Medialdea noong Miyerkules ng gabi, matapos ibunyag ni Pangulong Rodrigo Duterte ang matagal na umanong pagsasamantala ng Maynilad at Manila Water sa mga taga-Metro Manila.

Sinabi ni Duterte na agad nagtext ang senador kay Medialdea matapos itong bakbakan ng Pangulo.

“They entered into a contract. I do not know who was the lawyer kaya ko binuko si Frank. Tapos may text siya, sabi niya, “You tell Rody I’m not a part of it”,” kuwento ni Duterte.

Binasa aniya ni Secretary sa kanya ang text ng senador at nilinaw na wala na ang senador sa ACCRA, isang law office noong panahong ginawa ang kontrata.

Agad nilinaw ni Duterte na sangkot ang ACCRA sa paggawa ng kontratang nadehado nang husto ang gobyerno, pero tiniyak niyang sisilipin niya ang buong laman ng kontrata, pati mga abogadong bumalangkas nito.

“Sabi doon, wala na siya sa ACRRA noong panahon na yon. ACCRA is a law office. But I’m not saying that ACCRA is involved. Hindi ko pa nalaman kung sino yung abogado, sisilipin ko muna talaga kung yun ang ano,” saad ng Pangulo.

Nauna rito, diretsahang tinanong ng Pangulo sa kanyang talumpati noong Miyerkules kung kasali si Drilon sa mga nagbalangkas ng kontratang paborable sa dalawang water concessionaire matapos maalalang binalaan siya ng senador na magdahan-dahan sa pagbusisi sa kontrata dahil baka magbayad nang malaki ang gobyerno sa dalawang kompanya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?