53

Feb 20, 2020 @ 13:42
By

Drilon sa mga kapwa mambabatas: Isipin ang kapakanan ng 11K manggagawa ng ABS-CBN

“Bumoto ayon sa konsensiya.”

Ito ang inaasahan ni Senate Minority Leader Franklin Drilon sa mga kapwa niya senador sa oras pagbotohan na ang prangkisa ng ABS-CBN Corporation, lalo na’t 11,000 manggagawa ang maaapektuhan ng pagsasara ng network.

“They said, vote according to your conscience. Hopefully their conscience will bother them if 11,000 employees would lose their job,” pahayag ni Drilon sa panayam sa ANC.

Binigyang-diin pa ni Drilon na hindi politika ang dahilan ng paghahain niya ng pankulang i-extend ng tatlong taon ang prangkisa ng network habang nakabinbin pa ang franchise bill sa Kongreso, kundi ang iniisip niya ang libong kawani na mawawalan ng trabaho.

“Somebody said yesterday that I am playing politics by proposing a three-year extension, I say that if trying to save the jobs of 11,000 employees is politics, then I admit I am playing politics,” sabi ni Drilon

“I do not think that’s the motive. I think we should not attribute motive to fellow legislators,” dagdag pa nito.

Hanggang ngayon ay hindi pa dinidinig ng Kamara ang franchise renewal ng ABS-CBN na mapapaso na sa Marso 30 ng taong ito.

Giit nito, wala nang panahon para matalakay ang prangkisa dahil may Lenten break ang Kongreso sa Marso 14. Magpapatuloy ang sesyon sa Mayo.

Sa Lunes, didinggin na ng Senado ang franchise bill ng ABS-CBN at napakahalaga aniyang masimulan na ang pagtalakay nito, sabi ni Drilon.

“It is relevant, because given the fact we only have seven session days, we must have inputs while it is pending in the HoR. We cannot wait for the HoR to transmit it to us before we can decide,” ani Drilon.

“At least we have inputs but we will not report out the committee report until we receive something from the HoR,” sambit pa nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?