834

Feb 29, 2020 @ 22:40
By

Drilon nakatulog sa interview ni Pinky Webb?

Kumalat sa social media ang video kung saan tila nakatulog si Senate Minority Leader Franklin Drilon habang kinakapanayam sa telebisyon.

Sa video clip na binahagi ni Twitter user @mentallergies, makikitang nakayuko si Drilon habang tinatanong ni Webb tungkol sa proposed joint resolutions na inihain sa Senado at Kamara.

Natawa si Webb nang mapatingin ito sa nakayukong si Drilon.

Magugunitang palagiang nahuhuling natutulog si Drilon kapag napupunta sa kanya ang mga camera sa Senado.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?