147

Mar 3, 2020 @ 18:46
By

Drilon nakatulog sa gitna ng interview? Pinky Webb nagsalita na

Hindi raw nakatulog si Senate Minority Leader Franklin Drilon habang ini-interview nang live sa isang programa sa telebisyon.

Magugunitang isang video ni Drilon ang kumalat sa social media kung saan makikitang nakaupo at nakayuko ang senador habang tinatanong ni Pinky Webb sa show na “The Source” sa CNN Philippines.

Nilinaw ni Webb ang isyu sa pamamagitan ng pagsagot sa tanong ng netizen na si @OblivionRoad2 kung nakatulog daw ba talaga o hindi ang senador.

“Here’s what happened. As I was laying the premise for my question, I saw Sen Drilon look down at the documents he had on the table. I did not see him fall asleep,” ani Webb sa Twitter post noong Lunes ng gabi.

Nag-comment dito si Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. ng: “There you go.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?