337

Mar 8, 2020 @ 15:09

Public state of emergency, dinedeklara lang tuwing may banta sa national security – Drilon

Maaring lang umanong magdeklara si Pangulong Rodrigo Duterte ng public health emergency kapag naging banta na sa national security ang coronavirus disease o COVID-19.

Ito ang sinabi ni Senate Minority Leader Franklin Drilon matapos ihayag ni Senador Christopher Lawrence ‘Bong’ Go na nais ni Duterte na mag-isyu ng deklarasyon ng public health emergency matapos sumampa sa anim ang bilang COVID-19 case sa bansa.

Batay sa Republic Act 11332, o ‘Mandatory Reporting of Notifiable Diseases and Health Events of Public Health Concern Act’, sinabi ni Drilon na ang Health Secretary lang ang mga awtoridad na magdeklara ng mayroon isang epidemya ag bansa tulad ng COVID-19.

“The law says that when the same threatens national security, the President shall declare a state of public health emergency and mobilize government and non-governmental agencies to respond to the threat. So only in cases where the epidemic threatens national security,” sabi ni Drilon sa panayam sa dzBB.
Matutukoy naman aniya ng Presidente kung ang isang epidemiya ay isa nang banta sa national security o hindi dahil sa dami ng impormasyon na nakakarating sa kanya.

“Ngayon, ‘yan na nga epidemic, pero kapag naging national security concern or threatens national security, the President may declare a state of public health emergency,” sabi ni Drilon.

Nauna nang sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III na inirekomenda na nila ang pagdeklara ng public health emergency matapos itaas ang alerto sa Code Red Sublevel-1 kasunod ng kumpirmasyon ng ikalimang pasyente ng COVID-19 na isang kaso ng local transmission.

Kung magdedeklara na ang Pangulo, bibilis na ang galaw ng resources at proseso nito kabilang ang pagbili ng mga logistic at supply gayundin ang pagpapalakas ng reporting at quarantine measure nito.

Subalit giit ni Drilon, dapat pa ring dumaan sa regular na procurement process kahit na mayroon nang deklarasyon ng public health emergency.

“Walang nakalagay sa batas na ipagtabi natin o balewalain natin ‘yung procurement laws. May bidding pa rin yan,” sambit nito.

Aniya, ang mga medical equipment para ma-address ang sintomas ng COVID-19 tulad ng pneumonia at iba pang sakit sa bago ay dapat sapat na dahil nakapaloob ito sa taunang national budget.

“Ang batas sinasabi lamang mandatory reporting requirement at kung naging national security issue ay puwedeng mag-declare ng public health emergency. Ngunit ‘yan nakalagay sa batas, to mobilize national agencies to respond to the threat,” sabi ni Drilon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?