49

Feb 28, 2020 @ 14:46
By

Drilon: Bakit atat kayong ipasara ang ABS-CBN?

“Sino ang masasaktan kung papayagang mag-operate ang ABS-CBN habang nakabinbin sa Kongreso ang kanilang franchise bill? Bakit kayo nagmamadali na ipasara ang ABS-CBN?”

Ito ang mga tanong ni Senate Minority Leader Franklin Drilon bilang tugon sa naunang pahayag ng mga retired justice, kabilang sina dating Chief Justice Reynato Puno at retired Supreme Court Justice Angelina Sandoval-Gutierrez, na hindi maaaring pagkalooban ng National Telecommunications Commission (NTC) ng provisional authority ang network para makapagpagpatuloy ng operasyon nang walang prangkisa.

“This issue on ABS-CBN cannot be decided in a vacuum as the retired justices want Congress to do. Our conscience will not allow us to do that, because the reality is, 11,000 jobs are on the line here,” ani Drilon.

Ayon kay Drilon, kung i-interpret aniya ang legalidad na iba’t ibang kaso sa mga nagdaang panahon, tulad ng sinabi ng dalawang dating SC justice, inilalagay umano nito sa alanganin ang kapalaran ng 11,000 manggagawa na maapektuhan ng pagsasara ng ABS-CBN.

“By their interpretation, we put at risk the livelihood of 11,000 employees and the future of their families, without giving an opportunity for a rational discussion,” diin ng senador.

Paliwanag ni Drilon, may mga nangyari na aniya noon na may ilang franchise na pinayagang makapag-operate na may expired franchisee habang nakabinbin ito sa Kongreso, katulad ng GMA-7, Smart at iba pa.

“Why, all of a sudden, should we be so strict with ABS-CBN, when 11,000 jobs are on the line?” tanong ni Drilon.

Wala naman umanon masasaktan kung makakapagpatuloy sa operasyon ang ABS-CBN habang may spat na oras ang Kongreso para talakaying mabuti ang franchise renewal ng network.

“Why can we not give Congress more time to decide on this? Is anybody’s interest harmed by the continuation of the operation of ABS-CBN while the matter is pending in Congress?” tanong pa ni Drilon.

Nauna nang sinabi ni Justice Secretary Menardo Guevarra na maaring payagan ng NTC ang network na bigyan ng provisional authority na makapagpatuloy sa kanilang operasyon habang dinidinig ng Kongreso ang kanilang prangkisa.

Sabi ni Drilon, “The secretary of justice has ruled that there are sufficient equitable grounds to let ABS-CBN to continue broadcasting pending the process of renewal in Congress.”

“ There is no harm in letting the NTC to continue its practice of granting a provisional authority as it has done in the past,” wika pa nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?