1,534

Mar 1, 2020 @ 12:32
By

‘Drilon, ang pambansang tulog’

“Akala ko deep thinker lang sya sa Senado, antukin pala talaga.”

Sabi ng mga netizen, ‘di na maikakaila ang “Boy Tulog” na bansag kay Senate Minority Leader Franklin Drilon na umano’y umiidlip sa kalagitnaan ng live interview ng CNN Philippines’ “The Source.”

Sa 12:00-mark ng panayam ukol sa prangkisa ng ABS-CBN, makikitang nagsasalita si host Pinky Webb, habang nakapikit na nakayuko si Drilon.

Maririnig pa ang pag-“hmm” ni Drilon habang kinakausap ni Webb ukol sa panukalang joint resolutions na hinain sa Senado at Kamara at pareho umanong inakda ng una.

Nang makita si Drilon, at marinig ang umano’y paghilik nito, bahagyang natawa si Webb ngunit nagpatuloy sa pagtatanong.

May ilang sinabi na totoo ngang Boy Tulog si Drilon, habang may mga napaisip kung may sleeping disorder ba ang senador.

Magugunitang palagiang nahuhuling natutulog si Drilon kapag napupunta sa kanya ang mga camera sa mga Senate hearing.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?