41

By

Drake may masamang balak sa pamilya ni Kanye West

Patuloy ang bangayan ng dalawang sikat na US singer matapos akusahan ni Kanye West na nagbabanta si Drake sa kanya, pati sa kanyang pamilya.

Sa sunod-sunod na tweet ni West na patama kay Drake, nagpasaring ito matapos mag-away dahil sa paghingi ng clearance request ng huli para sa kantang ‘Say What’s Real’, na gumamit ng beat galing sa kanta ni West na ‘Say You Will’.

Matapos nito ay nanghingi ng sorry si Kanye West kay Drake para naman sa naging parinig ni Drake sa single ni French Montana na ‘No Stylist’, na hindi nagustuhan ni West dahil tila patama umano ito sa kanyang sneaker line na Adidas Yeezy Boost 350.

Matapos magpaulan ng tirada ni Kanye West ay tumawag umano sa kanya si Drake, ngunit hindi para mag-sorry kundi para umano bantaan siya na idinawit pa ang kanyang ang pamilya matapos hindi pagbigyan ang clearance.

“Drake finally called… Mission accomplished,” saad ni West sa Twitter.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?