19

By

Draft Federal Constitution, malabo pa sa usapin sa ekonomiya – DOF

Pinaninindigan ni Finance Secretary Carlos Dominguez III na sa usapin ng ekonomiya ay malabo pa sa kanila ang draft Federal Constitution.

Aniya, sa kanila sa economic team ng administrasyong Duterte maaaring maging bangungot sa usapin ng pananalapi ng bansa ang panukalang baguhin ang Saligang Batas.

“As we pointed out earlier, we never stated that we are against federalism. Rather, with respect to the fiscal provisions of the proposed Constitution, there are ambiguous provisions on revenue assignment and there are no provisions on expenditure assignment,” giit ni Dominguez sa pahayag na inilabas ng kanyang tanggapan.

Dagdag pa nito, may mga probisyon din sa ipinapanukalang Konstitusyon hinggil sa kita ng gobyerno ang hindi lubos na napag-aralan.

Naglabas ng pahayag si Dominguez matapos hilingin ni San Beda College of Law Dean Fr. Ranhilio Aquino kay Pangulong Rodrigo Duterte ang pagsibak kay Domingue at Socioeconomic Planning Sec Ernesto Pernia.

Inakusahan ni Aquino, miyembro ng Constitutional Committee, ang dalawang kalihim na kontra sa pederalismo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?