51

Mar 23, 2020 @ 13:37
By

DOTr ‘nagpasalamat’ sa COVID-19: Mga netizen nanggalaiti

“Namamatay ang mga tao!,” – ang himutok ng mga netizen nang mabasa ang pahayag na “THANK YOU CORONAVIRUS” mula mismo sa Department of Transportation.

Humingi na ng tawad ang DOTr sa naturang tula/video ni Polish vocalist/writer Riya Sokol. Depensa nila, layon nilang magbigay ng “enlightening and awakening narrative” sa pandemya na COVID-19.

Binura na rin ito ng ahensiya sa Twitter at Facebook makalipas lang ang isang oras ng pagkaka-post.

“We acknowledge that not all of our audience appreciate the underlying message of the poem and video, and we understand that some view it as an insensitive act. For that, we sincerely apologize,” wika ng DOTr Communications and Commuter Affairs Team, Marso 23, 2020.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?