30

Dec 27, 2019 @ 18:10
By

DOTr, Angkas, tuloy ang bangayan

Sinabi ng Department of Transportation kahapon na 2,204 lamang sa mga riders ng Angkas ang may permisong bumiyahe sa lansangan.

Ayon sa DoTr, ito lamang ang bilang ng mga authorized riders na isinumite ng Angkas sa technical working group para sa motorcycle taxi pilot run hanggang kahapon samantalang 6,907 na pangalan ng riders na ang isinumite ng Joyride at 1,414 ang isinumite ng MoveIt.

Sinabi ito ng DoTr para daw bigyang linaw ang publiko sa mga pagsunod sa documentary at regulatory requirements ng TWG na agad naman inangalan ng Angkas.

Sabi naman ni Angkas chief transport advocate George Royeca, kailangang linawin ang mga pangyayari para hindi maloko ang publiko.

Ayon kay Royeca, dalawang araw lamang ang ibinigay sa kanila ng Land Transportation Franchising Regulatory Board para irehistro ang 10,000 riders. Sinabihan sila nung December 20 na magiging epektibo ang extension ng pilot program sa December 23 at noong December 22 lamang ng alas-11:52 ng tanghali sila sinabihan ng tanggapan ni LTFRB board member PM Gen Antonio Gardiola Jr. na magsumite ng partial list nung araw ding iyon.

December 22 ay nagprotesta ang mga Angkas riders dahil tatanggalan sila ng 17,000 na riders sa pinaplantsang pilot program extension ng LTFRB.

Unang una, hindi katanggap tanggap sa Angkas na tanggalin ang kanilang mga riders at naniniwala itong ang pagsusumite ng partial list ay hindi makatarungan para sa 17,000 na matatanngal na nakapagtrain na at nakapagsilbi na sa mga communters ng anim na buwan o higit pa, sabi ni Royeca.

Hindi rin sapat na bigyan sila ng dalawang araw na walang pasok para magevaluate ng lahat ng kanilang mga riders at hindi nila mapasan ang kargo ng pagtanggal ng kabuhayan ng 17,000 pamilya.

“The LTFRB did not give us enough time to even start evaluating who will be placed on the 10k list. How can 2 non-working days be enough time to conduct an evaluation and trim the bikers down to 10,000 from 27,000? We ask the LTFRB to not take the 17,000 livelihood so lightly. These are 17,000 families that will be displaced,” dagdag ni Royeca.

Aniya, pinapanalangin nilang maayos ng LTFRB ang mga statement nito at lagyan ng tamang context para hindi makapanlinlang.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?