55

By

DOTA player Ruru bibisita sa Pilipinas

Dadalaw ang world renowned DOTA 2 player na si Pan ‘Ruru’ Jie sa ‘Pinas upang obserbahan ang paparating na ‘LGD International Launch Party: A Collab of LGD and Esportplay Gaming’ na gaganapin sa Pilipinas at sa iba’t iba pang bansa sa Southeast Asian Region.

Ang nasabing event ay gaganapin sa Conrad Hotel sa Nobyembre 26, ala-una ng hapon.

Kilala ang LGD bilang isang bigating international DOTA 2 team sa buong mundo at pinakamatandang eSports organization sa China.

Kaya naman sila ay naparirito upang palawakin pa ang eSports sa bansa at bumuno ng partnership para itayo ang Southest Asia-based team.

Target nitong LGD na magturo, magbigay ng insight at mag-scout ng core players mula sa Pilipinas at sa SEA region sa paparating na ‘The International’ na isang biggest event ng DOTA 2 tournament sa mundo.

Pinangungunahan ni Ivan Angelo Cuevas at John Tze ang Esportplay gaming bilang Chief Operating Officer kasama pa ang 2 eSports enthusiast at entrepreneur na nakakita ng potensyal sa bansa para palawakin pa ang eSports lalo na’t paparating na ang 2019 SEA Games kung saan kabilang ito sa listahan ng event.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?