25
boracay
By

DOT ‘di naabot ang 2018 target sa bilang ng turista

Isinuko na ng Department of Tourism ang 2018 7.4 million tourist arrival target.

Kasabay ito nang pag-anunsiyo ni Tourism Sec. Berna Puyat na sa 10 buwan ng taon, umabot lang sa 5.88 milyon ang dumating na turista sa bansa.

Aniya malaking dahilan ay ang anim na buwan na pagsasara at rehabilitasyon ng Boracay island.

Ayon kay Puyat ang bilang ay mataas naman ng 7.43 percent kumpara sa naitala sa katulad na panahon noong nakaraang taon at aniya tiwala sila na malalagpasan pa rin ang naitalang kabuuang bilang noong 2017 na 6.6 milyon.

Inamin naman nito na magiging masaya na siya kung aabot sa 7 hanggang 7.2 milyon ang bibisitang turista sa bansa ngayon taon.

Samantala, sinabi naman ni Tourism Usec. Benito Bengzon Jr., ang kanilang target sa susunod na taon naman ay 8.2 milyon ngunit nakadepende ito sa pag-apruba ng National Tourism Development Plan.

Sinabi ni Bengzon na susuriin muli nila ang kanilang mga programa at istratehiya para sa promosyon ng turismo sa bansa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?