37
Dormitorio pepedalin ang 2020 Olympic berth
By ,

Dormitorio pepedalin ang 2020 Olympic berth

Umaasa ang 22-anyos na champion cyclist na si Ariana Dormitorio na makanakaw siya ng outright berth sa 2020 Tokyo Olympics sa oras na lumahok ito sa Asian Mountain Bike Continental Championship sa Lebanon.

Mas pagtutuunan muna ng pansin ni Dormitorio ang Olympic qualifier na ito sa Hulyo 25-28 bago magsanay para naman sungkitin ang gintong medalya sa unang stint nito sa Southeast Asian (SEA) Games sa Disyembre.

“This will be a very crucial year because all of the things that we’ve really worked hard for, eto na yun. Eto na yung final stretch to get there. We’re really looking forward to the Olympic qualifying, and especially din sa SEA Games kasi it’s going to be the first in my whole career,” sabi ni Dormitorio sa pagdalo niya sa Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum nitong Martes sa Amelie Hotel-Manila.

Kung sakaling matagumpay at sikwatin ang gintong medalya, magkakaroon ng outright slot sa Summer Olympics si Dormitorio at siya rin ang kauna-unahang Pinay cyclist na sasabak sa Olympics.

Makakaharap din ni Dormitorio ang mga parehong rider na nakalabanan nito sa nagdaan Asian Games sa Indonesia pero para sa dating three-time Asian Mountainbike Series champion hindi magiging madali ito dahil sa malalakas nitong katunggali.

“I was able to compete against those top athletes, and to be honest, I was surprised with how my race went before I crashed,” dagdag nito.

Matatandaan na may pag-asa sanang masungkit ni Dormitorio ang gintong medalya sa mountain bike event ng Asiad pero nag-crash siya sa second lap ng five lap race nito at tuluyan na nitong magpaalam sa karera.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?