63

Oct 17, 2019 @ 20:38
By

Doria, Cignal bronze sa PSL Invitational

Nasilo ng Cignal HD Spikers ang bronze medal matapos silang akbayan ni Roselyn Doria laban sa Foton Tornadoes, 25-22, 25-15, 25-17, sa battle for third ng Philippine Superliga Invitational Conference kagabi sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Malaking bagay ang pagte-training ni Doria sa national team na sasabak sa 30th Southeast Asian Games kaya naman nakapagtala siya anim na attacks, tatlong blocks at dalawang service aces.

Bumakas sina skipper Rachel Anne Daquis at Mylene Paat ng 10 at siyam na puntos, ayon sa pagkakasunod, para sa Cignal na nalaglag sa bronze-medal match matapos silang patalsikin ng F2 Logistics Cargo Movers sa semifinals.

Nagpakitang-gilas din si Filipino-American setter Alohi Robins-Hardy matapos irehistro ang 14 excellent sets kasama ang 10 pts., apat na kills at tigatlong blocks at aces para sa Cignal.

“They really wanted to bounce back from their heart-breaking semis loss last Tuesday,” saad ni Cignal coach Edgar Barroga. “They wanted to prove that this is a championship-caliber team. That’s why they played like this.”

Ayon kay Barroga, parang gold na rin ang nasikwat nilang bronze medal.

“We’re still happy. Although we missed the chance to play in the finals, we’re still happy with this win. They worked hard for this bronze medal,” ani Barroga.

Tumipa si Marian ng nine points para sa Tornadoes.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?