83

Jan 9, 2020 @ 19:57
By

‘Don’t bite!’ Pope Francis nagbigay ng kondisyon bago halikan ang madre

Maingat na nakisalamuha si Pope Francis sa mga tao matapos ang kontrobersiyal niyang video ng paghampas sa isang babae nang bigla siyang hawakan nito at hilahin papalapit.

Matatandaang naging viral ito na sinundan ng papal apology.

Pinag-usapang muli ang recent video niya habang papasok sa Vatican auditorium, binati siya ng mga worshipper kabilang ang isang madre na nag-request sa kanya ng isang kiss sa pisngi.

Nagbiro ang Santo Papa at sinabing hahalikan niya ang madre sa isang kondisyon: Huwag itong mangangagat.

“I’ll give you a kiss, but you must stay calm. Don’t bite!” biro niya sa tuwang-tuwa na madre.

Binahagi ng The Sun ang nasabing video:

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?