41

By

Doncic pinanis ang Grizzlies

‘Di na kinailangan ni Luka Doncic ang isa pang matinding triple-double performance dahil nag-deliver ang mga kakampi para punan din ang pagliban ni Kristaps Porzingis.

Tumabo si Doncic ng 24 points, 14 rebounds at 8 assists para giyahan ang Dallas Mavericks sa 138-122 panalo kontra Memphis Grizzlies, Sabado ng gabi, sa 74th NBA 2019-2020 regular game.

May left knee injury si 7-foot-3 Porzingis at ‘di na pinaglaro ni coach Rick Carlisle.

Nilista ni Doncic ang kanyang stats sa loob ng tatlong quarters bago iniupo na rin ni Carlisle. Namantine ng Mavericks ang double-digit lead sa final period.

Tumipa si Tim Hardaway Jr. ng 20 points sa Dallas, may 17 si Justin Jackson at 16 pa kay Seth Curry, lahat sa first half.

Bumomba ng 23 points si Jaren Jackson Jr. para sa Memphis, may 18 points si Jae Crowder.

Umiskor ng 14 si Doncic sa third quarter para manduhan ang pagkalas ng Mavs na hawak na ang 104-91 bentahe papasok ng fourth.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?