16

By

Doncic nagpaulan ng tres

Biyernes ng gabi, inilabas ni Luka Doncic ang tibay ng pulso niya sa 3-point range.

Ibinitin muna ng 20-year-old ang paghahabol sa triple-double record ni Jason Kidd sa Dallas.

Nagbaon ng career-best eight 3s si Doncic tungo sa 35 points, nagdagdag si Tim Hardaway Jr. ng 29 at pinigil ng Mavericks ang Portland Trail Blazers 120-112.

May 8 rebounds at 7 assists din si Doncic sa unang larong puwedeng pantayan ang career record ni Kidd na 21 triple-doubles.

Kung darating ang isa bago ang Feb. 28, may tatlong tsansa pa si Docic na tablahan ang triple-double bago mag-21 years old. Malayong pangatlo sa listahan si Magic Johnson (7).

“It’s crazy,” bulalas ni owner Mark Cuban. “To give J-Kidd some credit, the game’s a lot faster now, there’s a lot more points being scored. So it’s all relative. What he’s accomplished is just phenomenal.”

Ibinaon ni Doncic ang 3 na bumura sa dati niyang career best, ang 27-footer na nagbigay sa Dallas ng 11-point lead sa final minute.

Mula sa labas ng arc ay 8 for 12 ang Slovenian, 20 for 47 overall sa 3s ang Mavs kumpara sa 9 for 30 ng Portland.

Hindi naisalba ng 34 points ni Damian Lillard at 22 ni Carmelo Anthony ang Blazers. Nawala si guard CJ McCollum sa first half nang abutin ng sprained left ankle. May 21 points at 18 rebounds si Hassan Whiteside.

Isa pang umangas sa Dallas si Seth Curry na umiskor ng 16 kabilang ang dalawang field goals ng Mavs sa loob ng 6 minutes sa fourth. Kalahating minuto ang pagitan ng buckets, pumatay sa rally ng Portland nang dumikit sa 5 points.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?