60

By

Doncic lumebel kina Robertson, Westbrook

Ebidensiya ang mga numero ni Luka Doncic nitong November na isa na siya sa mga umuusbong na pinakamaangas na player sa NBA.

Pinantayan niya ang career-high 42 points sa 120-113 win ng Dallas Mavericks laban sa Phoenix Suns nitong Biyernes at kinapos lang ng isang rebound sa triple-double sa pinamigay pang 11 assists.

Dahil sa performance na ‘yun, naging pangatlong player si Doncic sa kasaysayan ng NBA na nag-average ng 30-point triple-double sa loob ng isang calendar month.

Nag-average siya ng 32.4 points, 10.3 rebounds at 10.4 assists sa 15 laro nitong November. Ang tanging nakagawa pa lang nito ay sina Oscar Robertson (five times) at Russell Westbrook (twice), ayon sa Elias Sports Bureau.

Sa edad 20 at sa pangalawang season lang, ibang klaseng laro na ang pinapakita ng Slovenian. Pinakamaangas dito nitong Biyernes nang kontrolin ang lahat ng aspeto ng laro.

May pagkakataong aatake siya sa lane at matutulala ang depensa ng Phoenix, ‘di malaman kung ano gagawin.

“We play our best when we get in the paint,” ani Doncic. “That’s the key for us.”

Sumakay ang Mavs sa matindign performance ni Doncic para umangat sa 12-6, best start ng team sapul nang iuwi ang NBA title noong 2010-11 season.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?