23

By

Doncic inismol ni Snoop Dogg

Panis para kay American rapper Snoop Dogg ang talento ng 2019 Rookie of the Year na si Luka Doncic matapos talunin ng Lakers nitong nakaraang Sabado.

Sa video tweet ng @TheHoopCentral, makikita ang 48-anyos na artist na tila wala itong kabilib-bilib at hindi raw dapat tinatawag na best 20 year old of All time si Luca.

“He’s soft a*s ni**a he still can’t do now,” ani Snoop Dogg. “We blowing as**s out right now look at the Lakers,” sabay pakita ng iskor 81-65 sa 3rd quarter habang tambak ang Dallas.

Minaliit pa nito at kinontra ang tikas ng basketbolista na pang-Europa lang at hindi pang-Amerika.

“He only got 14 points. Telling him he’s the greatest 20-year old of all time? Probably in Europe but not in America. He good but he aint the best 20-year old I’ve ever seen.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?