378
Doncic binastos ang dalawang Nuggets player, Paras napabilib
By

Doncic binastos ang dalawang Nuggets player, Paras napabilib

Galit na galit sa rim si Dallas Mavericks rookie Luka Doncic sa isang tagpo sa kanilang laban kontra Denver Nuggets.

Lamang ng isa ang Denver, 98-97, 20 segundo na lang ang nalalabi sa shot clock, matapos matanggap ni Doncic ang leather sa half-court ay nakahanap ng espasyo para sa breakaway dunk.

Nakasabay sina Nuggets big man Paul Millsap at Mason Plumlee, ngunit hindi pa rin ito nakaapekto sa bagito.

May highlight man, bagsak pa rin ang Dallas, 100-99, ngunit tumapos si Doncic ng may 24 points, 11 rebounds at siyam na assists.

Dahil din sa poster dunk, napa-retweet si UP stalwart Kobe Paras na tila humanga kay Luka.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?