36

Mar 26, 2020 @ 11:47
By

Donasyong COVID-19 test kit nakatiwangwang sa Customs – Lacson

Nananawagan si Senador Panfilo Lacson sa Department of Health at Food and Drug Administration na maging flexible pagdating sa pagresponde sa COVID-19.

Ito’y matapos na kaunti pa lang na Pilipino ang nate-test sa nasabing sakit, na kung siya ang tatanungin ay dapat tularan ang South Korea na nagpatupad ng mass testing para makontrol ang pagdami ng COVID-19 patient sa kanilang bansa nang hindi nagsasagawa ng lockdown.

“As of last Monday, when we were deliberating on the just-signed Bayanihan To Heal As One Act, we tested only 1,500 Filipinos, more or less. With a population of 107 million, the worst is yet to come unless DOH and FDA act with urgency,” saad nito.

Pinuna din ni Lacson ang ilang libong rapid test kit mula South Korea at China na dinonate ng ilang indibiduwal, na hanggang ngayon ay hawak pa ng Bureau of Customs.

“Yet, a big volume is still being held by Customs. Why?” ayon kay Lacson.

Saad ng mambabatas, ginagamit na umano ang ibang bansa ang naturang mga test kit, at dumaan na rin sa certification ng kani-kanilang regulatory agency.

Kung papayagan lamang sana itong maipamahagi na ay mas mapapabilis ang paglabas ng resulta at makakapag-self-isolate ang magpopositibo sa COVID-19.

“Our lockdown is obviously working, no doubt. We can see it ourselves even from the windows of our own houses. But it is not enough by itself to flatten the COVID-19 curve,” aniya pa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?