78

By

Domingo inulila ang Lady Tams

Sinibatan na ang UAAP Season 82 Women’s Indoor Volleyball Tournament 2020 sa papasok na buwan ni veteran middle hitter Celine Domingo, hindi na niya gagamitin ang kanyang last playing year para sa FEU Lady Tamaraws.

Bukod kay Domingo, wala na rin para sa Lady Tams ngayong season si Carly Hernandez, at maging si Chin Basas aktuwal na wala na rin na rin noon pang Season 81, pero maari pang bumalik para ngayong taon kung kanyang gtugustuhin.

Nitong nakaraang taon, nakapasok ang Morayta-based squad sa Final Four ng torneo ngunit kinapos makaabot sa Finals.

Asahan na pangungunahan nina veterans Angel Cayuna, Jeanette Villareal, Czarina Carandang at Ria Duremdes ang Recto-based volleybelles ngayong season. (JAT)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?