39

By

DOLE magbabawas sa pagpapadala ng nurse abroad

Inihayag ni Labor Secretary Silvestre Bello III na lilimitahan na ang deployment ng nurse sa ibang bansa dahil sa pagbaba ng bilang ng mga ito sa bansa.

Ito umano’y matapos umapela sa kaniya ang mga opisyal ng Philippine Nurses Association (PNA) para sa limitasyon ng deployment ng mga Filipino nurse.

“Kahapon ka-meeting ko ‘yung Philippine Nurses Association, may shortage na rin pala tayo ng mga nurses. Meron na pala. All the while akala ko may oversupply tayo, ‘yun pala, ‘yung madalas na naka-graduate ng nursing course at nakakuha ng board, nagte-training sila ng two years and then they leave,” aniya.

“So ang pakiusap sa akin ng ating mga PNA officers eh i-slowdown ang deployment ng mga nurses natin dahil kailangang-kailangan din natin ng mga nurses dito lalung-lalo na nung mga kagaya ng mga senior citizen,” dagdag pa niya.

Pag-aaralan na rin umano ang pagtataas ng suweldo ng mga nurse para hindi na magnais na mag-abroad.

Nakiusap din si Bello sa mga ospital na huwag pagsamantalahan ang mga nurse na pinagbabayad pa ng training fees imbes bigyan ng karampatang sahod.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?