614

Mar 29, 2020 @ 22:20
By

Doktor, nurse sakay ng nasunog na eroplano sa NAIA

Nagbigay ng ilang impormasyon si Senador Richard Gordon hinggil sa mga sakay ng nasunog na eroplano sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Ayon sa senador, walo ang sakay nito na kinabibilangan ng flight medic, nurse, doctor, tatlong flight crew, isang pasyente, at kasama nito.

Sinabi rin ng senador na nagliyab ang eroplano habang nagte-take off ito sa NAIA runway 24 dakong alas-otso ng gabi.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?