240

Apr 6, 2020 @ 16:04
By

Doktor ng Asian Hospital, nasawi sa COVID

Isa pang doktor ang nagbuwis ng buhay habang nakikipaglaban sa COVID-19 pandemic.

Sa Facebook post ng Asian Hospital and Medical Center, kanilang inanunsyo ang pagkamatay ni Dr. Mary Grace Lim sa edad na 40.

“Sorrow befalls upon our hospital as we have lost one of our own in the fight against this pandemic,” saad sa naturang post.

“We have lost a remarkable doctor, a good friend, and mentor to our budding health care workers,” lahad pa.

Si Lim ay nagtrabaho sa Department of Emergency Medicine and Quality Management Department ng nasabing ospital.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?