629

Mar 26, 2020 @ 10:27
By

Doktor na kapatid ni Ruby Rodriguez pumanaw na

Pumanaw na si Dr. Sally Gatchalian, kapatid ni TV host Ruby Rodriguez at pangulo ng Philippine Pediatric Society, ngayong Huwebes.

Siya ang pangsiyam na doktor na ginupo ng COVID-19 sa ‘Pinas.

Kinumpirma ni Ruby sa News TV ang pagpanaw ni Gatchalian ngayong umaga, Marso 26, 2020.

Sambit ng aktres, tanging magagandang alaala lang ang bibitbitin nila tungkol sa kapatid.

Nagbahagi rin ito ng huli nilang larawan noong Pasko 2019.

“We will only remember you with Happy memories, laughing and sleeping, your johnson outfits and all, how u love bling bling, your Kuaff hair everday, your Kdrama addiction ( u got me hooked up too) i will make u kwento what i have seen last, our sunday lunches, our “bonding trips” that you and I only do( other siblings kasi nasa US),” wika ni Ruby.

“I love you so much my big sister❤️❤️❤️ smile say hi to Mom Dad and manong robert. Be at peace do not worry about us anymore. Have fun in heaven,” sambit pa niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?