84

Mar 26, 2020 @ 9:33
By

Doktor na ginupo ng COVID-19, 9 na

Pumalo na sa siyam ang kabuuang bilang ng mga doktor sa ‘Pinas na namatay dahil sa coronavirus disease.

Ayon ito kay Dr. Dennis de Guzman na dating assistant secretary-general ng Philippine Medical Association, sa ulat ng DZBB ngayong Huwebes, Marso 26.

Matatandaan na nanawagan si Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa kanilang mga pasyente na huwag maglihim ng mga medical condition at travel history sa mga frontliner dahil mae-expose sa virus ang mga health worker.

Sa Pilipinas, hanggang Marso 25 ng hapon, 38 na ang kabuuang bilang ng mga indibidwal na ginupo ng COVID-19.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?