25
DOJ: Mga kostumer, pwedeng magsampa ng kaso vs Manila Water
By

DOJ: Mga kostumer, pwedeng magsampa ng kaso vs Manila Water

Maaaring kasuhan ng mga customer ang Manila Water dahil sa nararanasan nilang water interruptions.

Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, kapag napatunayang may naging kapabayaan ang Manila Water at nakitang walang kinalaman ang krisis sa natural causes o force majeure o hindi inaasahang pangyayari, pwedeng maghain ng damage suits per individual ang mga apektadong consumer.

“There must be evidence of this fault or negligence before one can file a civil complaint. This evidence must then be presented to the court during the trial,” paliwanag ni Guevarra.

Matatandaang Marso 7 nang gulantangin ang mga kostumer ng Manila Water ng hindi inanunsiyong water interruption.

Mula noon ay nakaranas na ang nasa 1.2 million customers ng Manila Water ng kawalan ng suplay ng tubig o di kaya’y mahinang water pressure.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?