56
Mag-amang Yuson na mayor at vice mayor sa Masbate, no show sa pagdinig ng kanilang kaso sa DOJ
Sep 2, 2019 @ 16:19
By

DOJ: Mga dayuhang drug lord na napalaya sa GCTA, posibleng maibalik ng kulungan

May posibilidad pang maibalik sa rehas ang mga foreign drug lord na napalaya sa bisa ng Good Conduct Time Allowances (GCTA), ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra.

Sa joint Senate hearing na isinagawa hinggil sa implementasyon ng Republic Act 10592 o GCTA Law, sinabi ni Guevarra na bagaman may posibilidad ay hindi naman 100 porsiyento nitong matitiyak na makababalik ng kulungan ang mga foreign drug lord dahil patuloy pa rin aniyang nirerebyu ang panuntunan at Implementing Rules And Regulation ng naturang batas.

“There’s a possibility. But I cannot make a very assured answer to that question because we are still reviewing the guidelines and implementing rules and regulations,” ayon kay Guevarra.

“We still have to deal with the very sensitive question of what to do with PDLs [persons deprived of liberty] who might have committed heinous crimes but who might have already been released. So, that is a very sensitive legal question,” dagdag nito.

Kasalukuyang nakapiit sa Bureau of Immigration warden facility ang mga foreign national.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?