72

Sep 26, 2019 @ 21:07
By

DOJ magpapatulong sa Interpol vs ‘Manila drug queen’

Hihingi ng tulong ang Department of Justice (DOJ) sa International Criminal Police Organization (Interpol) para mamonitor ang tinaguriang Manila drug queen na si dating barangay chairwoman Guia Gomez Castro.

Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, handa na ang ahensya na mag-isyu ng Immigration Lookout Bulletin Order (ILBO) laban kay Castro.

Subalit ito ay matatawag nang ‘belated move’ dahil nakalabas na ng Pilipinas si Castro noon pang Setyembre 21.

Batay sa rekord ng Bureau of Immigration (BI), lumipad si Castro noong Setyembre 21 sa Bangkok, Thailand sa kasagsagan ng Senate hearing hinggil sa ninja cops at pag-recycle ng droga.

“An ILBO can only monitor departures and entry through our immigration counters. But it is also required for monitoring through Interpol channels,” ani Justice Undersecretary Markk Perete.

“Once the ILBO is issued, we can request monitoring through the Interpol,” sabi pa niya.

Sa ngayon, bineberipika na ng DOJ kung mayroon nang mga reklamo ang inihain laban kay Castro.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?