10

Mar 26, 2020 @ 13:50
By

DOJ ‘di kikilos kung walang isasampang reklamo vs. Koko Pimentel

Hangga’t wala pang pormal na reklamong inihahain, hindi pa iimbestigahan ng Department of Justice (DOJ) ang pagpunta ni Senador Koko Pimentel sa Makati Medical Center kahit naka-“home quarantine protocol” dapat ito.

Hindi rin ito isasailalim sa warrantless arrest, ayon kay Justice Undersecretary Markk Perete, dahil wala umanong rason para gawin ito. Pinapayagan ang warrantless arrest kapag ginagawa o kagagawa pa lang ng suspek ang umano’y krimen.

“For a complaint to prosper, those who have personal knowledge of the incident should file the complaint,” wika ni Justice Undersecretary Markk Perete sa media.

“As I have said before, during abnormal times like these, when people are prone to commit mistakes or violations of the law, the DOJ will temper the rigor of the law with human compassion,” ayon naman kay Justice Secretary Menardo Guevarra sa reporters.

“But this is not to say that the DOJ will not act upon the filing of a proper complaint by any interested party,” dagdag nito.

Sinailalim ang buong Pilipinas sa State of Public Health Emergency, na batay sa Republic Act 11332 o Mandatory Reporting of Notifiable Diseases and Health Events of Public Health Concern Act.

Sa ilalim ng batas, parurusahan ang “non-cooperation of the person or entities identified as having the notifiable disease, or affected by the health event of public concern.”

Humingi naman ng tawad si Pimentel sa Makati Med, sinabing ‘di niya sinadyang suwayin ang protocol, at sinamahan niya lang sa ospital ang buntis na asawa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?