38
DOJ: Pagtanggap ng regalo gawan ng panuntunan
By

DOJ: ‘Di karapat-dapat na inmates, buburahin sa GCTA

Tiniyak ni Justice Secretary Menardo Guevarra na walang lugar sa pinaikling sentensya ng Good Conduct Time Allowances (GCTA) ang mga hindi karapat-dapat na inmates.

Sa paglunsad ng bagong Bacolod City Justice Zone sa Bacolod City Government Center nitong Agosto 30, sinabi ni Guevarra na ginagawa ang lahat ng Department of Justice (DOJ) para hindi mapabilang sa listahan ang mga undeserving convict sa GCTA.

Kung kaya, masusing nirerebyu aniya ng binuong joint committee ang Implementing Rules and Regulation (IRR) ng Republic Act No. 10592 salig ang GCTA upang matiyak na ang mga deserving convicts lang ang makakukuha ng pinaikling prison time.

“The very real danger posed to the peace of the community by the early release of those [with a] capacity for vengeance and re-inflicting pain upon victimized families has compelled us not only to review and plug possible loopholes in the IRR but to put a temporary halt to the process that magnifies such risk,” aniya.

Nag-ugat ito matapos umalma ang publiko sa posibleng paglaya ng rapist at murderer na si Antonio Sanchez.

Wala pa rin umanong listahan ang DOJ ng high profile personalities na nakalinya na sa maagang pagpapalaya sa ilalim ng GCTA.

“That list may be submitted to the joint committee which we recently formed. We are concentrating on the guidelines. But maybe if there is an opportunity to take a look also at the list so we can see how the processing was done, which respect to those who were already released,”sabi ni Guevarra.

Bukod kay Guevarra, dumalo rin sa naturang event sina Chief Justice Lucas Bersamin at Interior Secretary Eduardo Año.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?