50
DOJ: 1914 GCTA prisoner, hindi nakalabas ng bansa
Sep 19, 2019 @ 16:26
By

DOJ: 1914 GCTA prisoner, hindi nakalabas ng bansa

Sa kabuuang 1,914 convict na napalaya dahil sa good conduct time allowance (GCTA), wala ni isa ang nakalabas ng Pilipinas, ayon sa Department of Justice (DOJ).

Tiniyak ito ni spokesman at Undersecretary Markk Perete matapos siguruhin ng Bureau of Immigration (BI) na chineck nila isa-isa ang mga nasa listahan ng napalaya na ibinigay ng Bureau of Corrections (BuCor).

“Based on the data check recently completed by the Bureau of Immigration, none of the names in the list of prematurely released PDLs (persons deprived of liberty) issued by BuCor appeared in the database of passengers who have recorded departures,” aniya.

Nagsagawa ang BI ng beripikasyon matapos sabihin ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año na nakatatanggap umano ito ng mga ulat na mayroong bilang ng mga napalaya sa bisa ng GCTA ang nakalabas na ng Pilipinas.

Ngayon ang huli nilang pagkakataon para sumuko sa mga awtoridad batay sa paguutos ni President Rodrigo Duterte.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?