355

Jan 17, 2019 @ 15:42
By

DOH sa publiko: Suicide video ng Razorback drummer, huwag nang ikalat

Umapela na rin sa publiko ang Department of Health (DOH) na itigil na ang pagsi-share sa video ng pagpapakamatay ng Razorback drummer na si Brian Velasco.

Dapat umanong irespeto ang pamilya ng drummer na nagluluksa sa ngayon.

“We are aware of the video going around the internet of his suicidal act. We request for the public to stop sharing this tragic video and respect the family who are still grieving and in pain due to this unfortunate event,” saad ng DOH.

Samantala, nagpahatid naman ng kanilang pakikiramay ang DOH sa mga naulila ng drummer.

Ayon sa DOH, ang depresyon ay seryosong health condition na nangangailangan ng tulong.

Sa Pilipinas, nasa 3.3 milyong Filipino umano ang nakararanas ng depressive disorders.

May suicide rates ang bansa na 2.5 sa mga lalaki habang 1.7 sa mga babae kada 100,000 katao.

Si Velasco ay namatay kahapon, Enero 16 matapos nitong tumalon sa gusali dahil umano sa depresyon na ipinakita pa niya sa Facebook live.

Samantala, maaari umanong tumawag ang indibiduwal na nakararanas ng depresyon sa Hopeline hotlines 804-HOPE (4673); 0917-558-HOPE (4673); o 2919 (toll-free number para sa Globe at TM subscribers).

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?