94

By

DOH sa publiko: Huwag kumain ng isda galing Taal Lake, Batangas

Nagbabala ang Department of Health (DOH) sa publiko laban sa pagbili at pagkain ng isda na mula sa Taal Lake at lalawigan ng Batangas.

“Definitely meron po tayong mga advisory na lahat ng nanggagaling diyan sa area ng Taal at Batangas, dapat po talaga, wala nang bibili. Kasi hindi po natin maaasahan ‘yung safety ng ating mga mamamayan,” wika ni DOH Assistant Secretary Ma. Francia Laxamana.

Sakaling makakain ng isda gaya ng Tawilis na mula sa Taal Lake at Batangas, kabilang sa sintomas na dapat aniyang bantayan ang pananakit ng tiyan, pagsusuka at pagtatae.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?