24

Jun 30, 2020 @ 17:38
By

DOH: Metro Manila COVID epicenter pa rin!

Kahit pa patuloy ang pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa Cebu City, ang Metro Manila pa rin ang tinuturing na COVID-19 epicenter ng Pilipinas.

Ayon kay Health Undersecretary Ma. Rosario Vergeire, ang Cebu City ay tinuturing lang na hotspot, habang ang Metro Manila pa rin ang nananatiling episentro ng virus outbreak.

“We will try to analyze again after maybe two weeks, but for now it’s still NCR and Cebu [City] is just one of those hotspots or areas of specific focus now for DOH,” saad ni Vergeire.

Matatandaan na sinabi ni Interior Secretary Eduardo Año na posibleng Cebu City na ang susunod na maging epicenter ng COVID-19 sa bansa.

Sa ngayon kasi ay nasa 5,141 na ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Cebu City, na higit na mas kaunti ang residente at mas maliit ang land mass kaysa NCR.

Sa Metro Manila naman, nasa 18,384 ang bilang ng tinamaan ng virus, kung saan 6,473 ang gumaling habang 847 ang nasawi.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?