100

DOF may loan program para sa mga guro

Kasabay nang paggunita ng National Teacher’s Day, hiniling kahapon ni Finance Secretary Carlos Dominguez III sa Land Bank at Government Service Insurance System (GSIS) na gumawa ng paraan para makaiwas ang mga guro sa tukso na umutang sa private lending institutions PLIs.

Ayon kay Dominguez dapat magkaroon ng ‘loan restructuring program’ ang Land Bank at GSIS para mabayaran ng mga guro ang kanilang mga utang sa PLIs.

Bukod dito, nais din ng kalihim na magkaroon ang dalawang institusyon ng mas magandang loan program na mas mababa ang interes kumpara sa inaalok ng mga pribadong kompaniyang nagpapa-utang.

Base sa ulat ng GSIS, halos 40 porsiyento ang default rate ng Department of Education (DepEd) sa GSIS loans dahil nahihirapan magbayad ang mga guro dahil binabayaran din nila ang kanilang mga utang sa PFIs.

Bukod dito, prayoridad din ng DepEd ang pagbabayad sa PFIs sa pamamagitan ng automatic salary deduction sa mga guro.
Paniwala din ni Dominguez na sakaling sumunod ang Land Bank at GSIS maari pa rin naman makipag kompetensiya ang mga PFIs sa pamamagitan ng pag aalok ng mas mababa pang loan interest. (Pinggoy Romero)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?