163

Sep 12, 2019 @ 19:22
By

Doble selebrasyon! Kambal parehong topnotchers sa licensure exams

Kapwa pumasok sa top 10 sa kani-kanilang pinagdaanang licensure examinations ang magkapatid na lalaki mula sa Malolos, Bulacan.

Nabatid na si Jose Gabriel delos Santos ay pumuwesto na ika-6 sa ginanap na 2019 Electrical Engineer Licensure Exams habang ang kanyang kakambal na si Jose Raphael delos Santos pumangwalo sa 2018 Nursing Licensure Exams na ginanap noong Nobyembre.

Ayon kay Jovenal Gaspar Madulid, tiyuhin ng kambal, ang dalawa ay isinilang na premature at tumimbang lamang ng tig-3 pounds.

“Alagaang mabuti, baka di magtagal,” sinabi ni Madulid na naalala niyang sinabi ng doktor sa kanila.

“Luckily, parehong lumaking healthy, mabait at matalino,” dagdag ni Madulid.

Ang kambal ay magkaklase mula nursery hanggang high school pero nagpasya na kumuha ng magkaibang kurso nang sila ay magkolehiyo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?