32
novak1

Djokovic, na-upset ng unseeded Italian tennis player

Nagpahiwatig si three-time Wimbledon champion Novak Djokovic ng hindi pagsali sa Wimbledon matapos ang sorpresang pagkatalo niya kay Italian Marco Cecchinato sa French Open quarter-finals noong Martes.

Yumuko si Djokovic sa 6-3, 7-6 (7-4), 1-6, 7-6 (13-11) sa world number 72 sa Paris, sa laban kung saan ang Serb ang inaasahang mananalo.

Nagrerekober pa ang 31-anyos na si Djokovic mula sa injury sa siko.

Ginagamot pa siya sa kanyang balikat sa pagkatalo nito noong Martes.

Kitang nadismaya sa kanyang pagkatalo, sinabi ni Djokovic na posibleng hindi siya makalaro sa Wimbledon.

“I don’t know if I’m going to play on grass,” aniya. “I don’t know what I’m going to do. I cannot give you any answer. I’m just not thinking about tennis at the moment.”

Aniya, mahirap lunukin ang pagkatalo niya kay Cecchinato.

“Any defeat is difficult in the Grand Slams, especially the one that came from months of build-up,” sabi ni Djokovic.

“I thought I had a great chance to get at least a step further, but wasn’t to be.”

Sa paggapi kay Djokovic, aabante sa semifinals si Cecchinato para sa Grand Slam event. (IS)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?