58

Feb 4, 2020 @ 9:39
By

Djoko kampeon na, si Kobe pa rin ang iniisip

Hawak ni Novak Djokovic ang pang-walo niyang Australian Open trophy, pero ang isip ay na kay Kobe Bryant pa rin.

Isang linggo bago kinalos ni Djoko si Dominic Thiem sa championship match sa Melbourne Park nitong Linggo, namatay sa helicopter crash sa Calabasas, California si Kobe, anak na si Gianna, 13, at pitong iba pa.

Nilagyan ni Nole ng letters KB at numbers 8 at 24 ang bandang dibdib ng suot niyang green jacket sa trophy ceremony.

“With huge bush fires here in Australia. Conflicts in some parts of the world – people dying everyday. Obviously one person that I considered close in my life, and who was a mentor to me, Kobe Bryant, passed away as well with his daughter,” pahayag ng Serbian tennis star sa crowd sa Rod Laver Arena pagkatapos ng match na nakumpleto ng 1:30 ng madaling araw.

“I would just like to … say that this is a reminder to all of us that we should stick together more than ever. Be with our families. Stay close to the people that love you, care about you.”

Kapuputok lang ng balita ng crash, naiyak si Djokovic pagkatapos ng quarterfinal victory niya kay Milos Raonic. Sa nakalipas na 10 taon ay naging magkaibigan aniya sila ni Kobe na tinawag niyang “one of the greatest athletes of all time.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?