3,258

By

DJ Jasmin ng MOR 101.9 pumanaw na

Yumao na si Jasmin Basar o mas kilalang si DJ Jasmin ng MOR 101.9.

Inanunsiyo ito ng radio station nitong Martes.

“Salamat, Jasmin. Mahal ka namin,” sabi sa maiksing statement ng MOR 101.9.

Namatay si DJ Jasmin dahil sa chronic kidney disease sa edad na 35.

Unang inamin ni DJ Jasmin ang kanyang sakit sa kanyang MOR 101.9 followers noong February 2018.

Sumailalim siya sa dialysis nitong February 2019 at naghanap ng ka-match para sa kidney transplant.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?